준비기도문

Panalangin bilang paghahanda para sa 2027 Seoul World Youth Day.

Panalangin Para Sa Mga Kabataan

  • Mapagmahal na Diyos Ama ng mga kabataan,
    ipagkaloob Mo na ang Iyong mga nilikhang kawangis Mo
    ay mapagnilayan ang Iyong pagmamahal na nahayag sa pagbibigay Mo ng Iyong bugtong na Anak.
  • Ipagkaloob Mo sa amin ang biyaya na makatagpo si Hesukristo
    upang mahalin namin ang lahat ng aming nakakasalamuha sa aming buhay.
  • Panginoon, tipunin Mo nawa ang mga kabataang iniibig Mo sa Simbahang
    pinapatnubayan ng Espiritu Santo
    upang maranasan nila ang Iyong awa.
  • Nawa’y makiisa kami sa kanilang mga alalahanin at pasanin,
    tanggapin sila nang may malasakit sa loob ng Simbahan,
    at samahan sila sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.
  • Kung paanong iniligtas Mo ang sanlibutan sa pamamagitan ng krus at muling pagkabuhay ng Iyong Anak,
    nawa’y buhayin muli ng mga kabataan ang alab ng pananampalataya sa pamamagitan ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan 2027,
    upang baguhin ang Simbahan at ang mundo
    at ipahayag ang Mabuting Balita hanggang sa dulo ng daigdig. Amen.
  • Mahal na Birheng Maria, Patron ng Simbahan ng Korea.
  • Ipanalangin mo po ang mga kabataan.
  • Lahat ng mga banal na martir at beato ng Korea.
  • Ipanalangin po ninyo kami.